2 Kelot, Tinadtad ng Saksak sa Lamayan; 1 patay, 1 sugatan

KALIBO, AKLAN – TINADTAD ng saksak ang isang lalaki ng kanyang nakalaro sa sugal na Lucky 9 sa burol ng patay sa Brgy. Caano, Kalibo, Aklan.

Agad na namatay ang biktima na kinilalang si Abner Valencia, 52, residente ng naturang lugar dahil sa tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Andy “Bornok” Nam-ay, residente ng San Jose, Madalag, Aklan; at isang Aden Nigala.

Patuloy namang ginagamot sa Aklan Provincial Hospital ang isa pang biktima na si Victor Mabini, 38, dahil sa tama ng saksak sa kanyang likod na sinasabing pumagitna lamang sa nasabing gulo.

Batay sa ulat ng Kalibo PNP, magdamagan umanong naglaro ng Lucky 9 ang mga suspek at mga biktima, ngunit nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nagresulta sa pikunan hanggang sa umabot sa puntong kumuha ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng saksak ang mga biktima na ikinamatay ng isa sa mga ito.

Agad umanong tumakas ang mga suspek matapos ang nabanggit na insidente. Samantala, patuloy pa rin ang pagtugis sa kanila ng mga kinauukulan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “2 Kelot, Tinadtad ng Saksak sa Lamayan; 1 patay, 1 sugatan

  1. Gusto ko lang Manawagan sa bombo radio!

    Ako ang kapatid ni Aden at allan ningala. Sila ay kinulong ng walang kasalan at ang may sala ay patuloy na malaya. Bakit hindi kaya hulihin ng mga pulis ung pumatay kay kuya abner valencia at bakit kapatid ko ang hinuli kahit alam nila na wala itung kasalanan ? Bakit patuluoy na pinakulong ang dalawa kung kapatid ng mga valencia na kahit alam nila mismo na wala itong kasalanan? helen pado, DSWD ka at alam mo na walang kasalanan mga kapatid ko. bakit hindi mo kaya sila palayain. katarungan po kailangan namin at ninyo rin. bakit mga kapatid ko diniin nyo?

    HUMAN RIGHTS ISSUE:
    Is it right to detained a person without any proof of evidence and warrant of arrest in the criminal case which was happened
    in Kalibo, Aklan last November 18, 2011.
    BOMBO RADYO PHILIPPINES/PINOY PARAZZI SAID:
    “Ang mga suspek ay kinilalang sina Andy “Bornok” Nam-ay, residente ng San jose, Madalag, Aklan at isang Aden Nigala.
    ” BUT PRESENTLY, Mr.Aden Ningala and Allan Ningala are in prison with any due process! What is the basis in putting them into prison?
    When the witness (Victor Mabini, 38 yrs old presently undergoing his medication aklan provincial hosital) itself testify that they are innocent

    Nababasa po ba ninyo ito?

  2. Kung Talagang Larawan ka ng katutuhana. Bakit patuloy paring malaya si burnok nam-ay na siyang pumatay kay kuya abner valencia at bakit ang dalawa kung kapitid ay patuloy na nakakulong kahit ikaw na mismo nag sasabi sa balita mo na wala silang kasalanan? bakit alam na kaagad ng mga pulis kung mag kano ang piyansa sa pang samantalang kalayaan ng dalawa kung kapatid? saan kami kukuha ng 128 thousand pisos na yan na piyansa? at alam mo rin ba na unang gabi palang ng kuya ko sa loob ay pinasapak na siya oh pitik ang nila? Paanu ang kinabukasan ng limang anak ng kuya ko kung patuloy pa siya sa kulungan kahit wala siyang kasalanan???????????

  3. HUMAN RIGHTS ISSUE:Is it right to detained a person without any proof of evidence and warrant of arrest in the criminal case which was happened in Kalibo, Aklan last November 18, 2011. BOMBO RADYO PHILIPPINES/PINOY PARAZZI SAID:“Ang mga suspek ay kinilalang sina Andy “Bornok” Nam-ay, residente ng San jose, Madalag, Aklan at isang Aden Nigala.” BUT PRESENTLY, Mr.Aden Ningala and Allan Ningala are in prison with any due process! What is the basis in putting them into prison?  When the witness (Victor Mabini, 38 yrs old presently undergoing his medication aklan provincial hosital) itself testify that they are innocent

    For your further reference: http://www.bomboradyo.com/news/more-news/85935-1-patay–1-sugatan-sa-rambolan-sa-lamay-sa-aklanConcern Citizen.

Leave a Reply

Your email address will not be published.