2 Kelot, Patay sa Ratrat; Payroll ng Kumpanya, Tinangay

PATAY ANG dalawang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang sasakyan sa Sta. Rosa-Tagaytay Road , Barangay Sto. Domingo, Sta. Rosa City, Laguna.

Kinilala ni Supt. Edwin Wagan, hepe ng Sta. Rosa Police ang mga dead on the spot na biktimang sina Diosdado Panganiban at Roberto Cabatay, kapwa empleyado ng CNG Bus company, na nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa ulo.

Nakahinto sa gitna ng kalsada at nakabukas pa ang makina ng pu-

ting Toyota Hi-ace van na may plakang NAQ 908 nang makita sa loob ang duguang bangkay ng mga biktma.

Nakitaan ng butas na nilusutan ng bala ang windshield ng van.

Tinitingnan ng mga kinauukulan ang anggulong holdap dahil nawawala ang payroll ng kumpanya na aabot sa P245,000.

Samantala, wala namang nakakita sa mismong pamamaril na posibleng makapagturo sa salarin.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa nangya-ring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.