2 Kelot, Nalibing Nang Buhay sa Ilocos Sur

 

NAHIHIRAPAN ANG mga kinauukulan sa kanilang isinasagawang retrieval operations sa dalawang lalaki na natabunan nang buhay dahil sa umano’y paghuhukay ng kayamanan sa Barangay Lacong, Tagudin, Ilocos Sur.

Ayon kay C/Ins. John Falag-ey Charongen, hepe ng Tagudin Municipal Police Station, nahihirapan sila sa paghuhukay sa natabunang butas na ginawa ng mga biktima dahil tinatayang nasa 30 meters ang lalim nito at kinailangan pa ang paggamit ng backhoe para sa mabilisang pagsasagawa ng nasabing operasyon.

Ayon pa kay Charongen, manghihimasok na umano sa pagsisiyasat sa nangyaring insidente ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Samantala, hindi pa rin makumpirma ng mga pulis ang kumakalat na impormasyon na ang mga biktima ay naghuhukay ng kayamanan.

May ilan din ang nagtataka dahil sa lalim ng hukay na kanilang ginawa sa lote na pag-aari umano ni Tagudin Vice-Mayor Rogelio Lorenzana.

Habang nasa loob umano ng butas ang mga biktima ay biglang natibag ang lupa at natabunan ang mga ito nang buhay. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.