2 Kelot na Naka-Motor, Tigok sa Binanggang Bus

PATAY ANG dalawang lalaking sakay ng motorsiklo matapos itong bumangga sa isang pampasaherong bus sa tapat ng tanggapan ng Commission on Audit (COA) sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Kinilala ang mga biktima na sina Marieto Balgos IV at isang alyas “Bebeng” ayon mismo sa kaibigan ng mga ito na si Ivan Garcia.

Walang suot na helmet ang mga biktima at wala ring lisensya maliban sa student license na natagpuan kay Balgos.

Sinabi naman ni Gerald Catibog, konduktor ng Precious Grace Transport Bus na mabagal lamang ang kanilang takbo at pagarahe na sana nang biglang may kumalabog sa likurang bahagi ng kanilang bus.

Inakala pa aniya nilang isang bus ang sumalpok ngunit isang naka-motorsiklo rin ang nagsabi sa kani-lang may sumalpok na motorsiklo sa kanilang likuran.

Samantala, hawak na ng mga kinauukulan ang drayber ng bus na si Reuben Bolanio upang makunan ng salaysay at para sa posibleng pananagutan sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.