2 Kelot, Magkahiwalay na Nag-Suicide sa Maynila

DALAWANG LALAKI ang patay sa magkahiwalay na insidente ng pagpapakamatay sa Maynila.

Sa Balut, Tondo, kinilala ang biktima na si William Lacbayen na tumalon umano mula sa ika-apat na palapag ng Shift Gear Building sa kanto ng Kaunlaran Street at Honorio Lopez Boulevard.

Sinasabing lasing ang biktima at naghubo’t hubad pa bago tumalon.

Ayon sa salaysay ng mga kakilala ni Lacbayen, tuwing lasing umano ito ay dito ito nagpapahangin.

Inaalam pa kung may foul play sa nasabing insidente.

Samantala, isang 20-anyos ang nagpatiwakal sa Ligaya Street, Sta. Ana.

Sinasabi namang nakipaghiwalay kamakailan ang nobya ng biktima na may asawa na.

Natagpuan na lang na nakabigti ang biktima.

Patuloy ang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.