2 kelot huli sa aktong bumabatak

KULONG ANG DALAWANG kelot matapos matsambahan ng mga pulis na bumabatak ng Shabu sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga nadakip na sina Michelle Mendoza, 33; at Russel Arriola, 31, kapwa ng Masagana St., ng lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa pagtutulak ng Shabu sa nasabing lugar ng isang alyas “Nene”.

Alas-2:30 ng umaga, ginalugad ng mga pulis ang Masagana St., subalit hindi nakita ang pakay.

Papaalis na ang mga pulis nang matsambahan ang mga nadakip sa isang sulok ng lugar habang bumabatak ng Shabu.

Hindi na nakatakbo ang mga nadakip nang dakmain kung saan nakuhanan ang mga una ng isang foil na may bakas ng shabu at mga shabu paraphernalia.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.