2 kelot, huli habang nagsa-Shabu

MEYCAUAYAN CITY – HULI sa akto ng mga awtoridad ang dalawang lalaki, habang sumisinghot ng ipinagbabawal na droga sa Brgy. Bancal sa lungsod na ito kamakalawa ng tanghali.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Eric Noble kay Acting Provincial Director Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga suspek  na sina Ruel Nocomura, 27 anyos, binata; at Jimmy Baron, 47 anyos, kapwa tubong-Albay, residente ng Brgy. Dalandanan Valenzuela City.

Base sa inisyal na im-bestigasyon  ng mga pulis, kasalukuyang humihitit ng Shabu ang mga suspek nang mahuli  sa akto, makaraang inguso ang mga ito ng ilang mga residente roon.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang hindi pa mabatid na gramo ng Shabu at Shabu paraphernalia.

Samantala, detenido ngayon ang dalawang suspek sa Meycauayan City Jail habang iniha-

handa ang kaukulang kaso laban sa kanila na paglabag sa RA 9165.  (TONY DELA PEÑA)

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.