2 kelot, 1 bebot patay sa taga; paslit pa, sugatan

DALAWANG LALAKI AT isang dalaga ang nasawi habang isang paslit na babae ang sugatan nang pagtatagain ng dalawang lalaki sa San Jose, Negros Oriental, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na nagmistulang manok sa taga na sina  Ronnie Gerodias, 24 anyos; Sheryll Ramirez, 18 anyos; at Jury Ramirez, 17 anyos; habang sugatan si Claudine Ramirez, 4-anyos.

Tinutugis naman ang mga salarin na sina Jufil Ramirez Salaquin, 21 anyos; at Rico Bayo Suelto, 32 anyos.

Naganap ang karumal-dumal na krimen sa Sitio Pamahawan, Brgy. Cancawas, San Jose.

Nabatid na dakong alas-4 ng madaling-araw nang pasukin ng mga suspek ang mga biktima saka sila pinagtataga.

Aminado naman ang Negros Occidental na hindi pa malinaw ang motibo ng pamamaslang habang wala namang indikasyon na nais lamang ng mga ito na pagnakawan ang biktima.        (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.