2 Kawatan, Tiklo sa Checkpoint

DAHIL SA inilatag na checkpoint ng mga awtoridad, agad na nadakip ang dalawa sa anim na mga magnanakaw ng motorsiklo sa Guiguinto, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Elvis Diaz kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jeffrey Lundayan Y Domingo, 29 anyos, ng F. Del Sur, Sampaloc, Manila; at Kevin Davis Y Corpuz, 19 anyos, 3rd year college ng La Loma, Quezon City, habang pinaghahanap pa ang mga kasama nito na sina Jaime Reyes; Eric Chua; alyas Arol; at alyas Troll kapwa residente ng San Juan at Tondo, Manila.

Samantala, ang biktima naman ay nakilalang si Zelen Bernardo Y Villalon, 18 anyos, SK member ng Brgy. Tabang sa nabanggit na bayan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-9:07 ng gabi nang magsadya sa himpilan ng pulis ang biktima at agad na ini-report ang pagkawala ng kanyang motorsiklo na may plakang 6524-IT Yamaha Mio.

Nabatid na papauwi na ang bitkima nang masalubong nito ang mga suspek at sapilitan umanong inagaw ang gamit nitong motorsiklo. Bunsod nito, agad na isinagawa ang checkpoint sa nabangit na lugar na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa dalawa ang dalawang karnap na motorsiklo na may plakang 4064-OH at 3125-TC, habang tinutugis na ang mga kasamahan ng mga suspek.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.