2 Kawatan sa Bora, Timbog sa Jacket

DAHIL SA naiwang jacket, naaresto ng mga kasapi ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang dalawang magnanakaw na pumasok sa isang boarding house sa Brgy. Balabag sa nasabing isla.

Kasong Robbery ang kinakaharap ng mga salarin na sina Julan Ignacio, 18, residente ng San Agustin, Romblon; at William Manuel, 19, ng San Mateo, Isabela at kapwa pansamantalang naninirahan sa nabanggit na isla.

Sinabi ng biktimang si Joselyn Vega, 25, na nagtatrabaho bilang waitress sa isang bar sa isla, naabutan niya ang kanyang mga gamit sa loob ng inuupahang kwarto na nakakalat at wala na ang kanyang pera.

Sinasabing nahuli ang dalawa batay sa mga dokumento na natagpuan sa isang jacket na pagmamay-ari ng isa sa mga magnanakaw na naiwan sa loob ng silid.

Samantala, natimbog ang dalawa sa isinagawang follow-up operation ng pulisya sa hideout ng mga salarin.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.