2 kawatan patay sa shootout sa Laguna

PATAY ANG DALAWANG hinihinalang kawatan nang makasagupa ang awtoridad sa bayan ng Los Baños, Laguna noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Chief Supt. Dante Novicio, hepe ng Los Baños Police, naganap ang engkuwentro dakong alas-6:15 ng gabi sa Jamboree Rd., Brgy. Timugan.

Isang tawag ang natanggap ng patrolling policemen sa pagtakas ng dalawa mula umano sa pinagnakawan nito kaya naman inabangan ang dalawa na lulan ng motorsiklo sa nasabing kalsada.

Subalit sa halip na huminto ay pinasibad ng dalawa na hindi pa nakukuhanan ng pagkaka-kilalan ang kanilang motorsiklo hanggang sa nagkahabulan pa ang mga ito.

Narekober sa mga bangkay ng mga suspek ang isang granada at cal.38 pistol habang ang motorsiklo na walang plaka ay nadiskubreng ninanakaw ng mga ito sa isang Wilfredo Palis.

Sinasabing iniwan lamang ni Palis ang kanyang motor sa Brgy. Anos noong Miyerkules ng umaga at nang balikan ay wala na ito.            (EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.