2 Kawatan patay sa engkuwentro

BOHOL – PATAY ANG dalawang kawatan na lulan ng motorsiklo makaraang makaengkuwentro ng mga pulis sa lalawigang ito.

Ayon kay PNP Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. pinagnakawan ng mga hindi nakikilalang lalaki ang tindahan ni Allan Badilla sa Poblacion Danao dakong 4:39 ng hapon noong Miyerkules.

Gayunman, agad nalaman ng otoridad ito at rumesponde subalit sa halip na sumuko ay nakipaglaban ang mga ito.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawing suspek.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.