2 Katao, Pisak sa Trailer Truck

HALOS HINDI na makilala ng kanyang mga kaanak ang katawan ng dalawang lalaki na nasagasaan ng rumaragasang trailer truck kamakalawa ng madaling -araw sa kahabaan ng Cagayan Valley Road sakop ng Brgy. Capihan, San Rafael, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/ Supt. Rodolfo Hernandez kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nasawing biktima na sina Patricio Causo Y Tolentino, 27 anyos, binata ng Brgy. Bagong Nayon, Baliuag, at Joemar De Lara Y Ibasan, 17-anyos, ng Brgy. Pinaod, San Ildefonso, samantalang ang suspek naman na agad ding nadakip ay nakilalang si Magdalino Salcedo Y Domingo, 38 anyos, binata, ng Brgy. Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Delos Reyes, dakong alas-12:36 ng hating-gabi nang maganap ang aksidente sa nabanggit na lugar, makaraang magbanggaan ang trailer truck na may plakang  REL-834, at motorsiklo na may plakang 5401-RT na Honda Beat.

Nabatid na binabagtas ng dalawang biktima ang nabanggit na lugar patungo ng Norte nang salubungin umano ito ng trailer truck na patungo naman ng southbound.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa San Rafael Municipal Jail habang inihahanda ang kasong Double Homicide.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.