2 Katao, Patay sa Magkahiwalay na Insidente sa Pasay at Manila

DALAWANG KATAO ang nasawi sa magkahiwalay na insidente sa lungsod Pasay at Maynila kahapon ng madaling-araw.

Binaril ng hindi kilalang salarin ang isang lalaki sa Barangay 190, Pasay City.

Kinilala ng mga kinauukulan ang biktimang si Romeo Balbuena na may apat na tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Pasay City police, posibleng onsehan sa droga ang motibo sa pamamaslang dahil minsan nang nasangkot ang biktima sa naturang kaso.

Dead on the spot naman ang isang 24-anyos na babae matapos masagasaan ng L-300 sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang biktima ay si Michelle Quinto habang ang driver ay 21-anyos na si Gilbert Barbasena.

Samantala, sa inisyal na pagsisiyasat, nagpra-practice lamang sa magmaneho ang suspek kaya’t wala itong lisensya.

Sa ngayon, kasong Reckless Imprudence resulting to Homicide ang kakaharaping kaso ng salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.