2 Katao, Kinarnap ang Hiniram na Sasakyan

PATUNG-PATONG NA kaso ng kinakaharap ngayon ng dalawang lalaki, na kumarnap sa hiniram na sasakyan sa lalawigan ng Isabela.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang mga dinakip na suspek na sina Joel Talusig Y Gusman, 51 anyos; at Aristotel Ian Alvaro Y Yap, 21 anyos, residente ng Blk-3, Lot-5, Phase-6, Pabahay 2000, Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan, habang kinilala naman ang biktimang si Rodel Villanueva Y Valdez, nasa hustong gulang, residente ng Centro-1, Jones, Isabela.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Rodel, may-ari ng isang Toyota Hi-lux na may plakang UIC-937 na hiniram umano ng mga suspek.

Nabatid sa biktima na Disyembre 7, 2012 ganap na alas-6:30 ng hapon nang hiramin ng mga suspek ang sasakyan sa Isabela kung saan tiwala ang biktima sa dalawa dahil kasosyo niya ito sa isang negosyo.

Dahil sa kabiguang maibalik ng mga suspek ang naturang sasakyan, agad nilang inalarma ang mga pulis, kung saan Enero 22 dakong alas-11:00 ng gabi nang mag-sagawa ng checkpoint ang mga pulis sa lugar  at agad na hinarang ang naturang sasakay.

Agad na naglabas ng affidavit na dokumento ang mga suspek na umano’y pirmado ng may-ari subalit natuklasan itong peke, dahil sa kabiguan ng mga ito na maipakita ang OR-CR nang nabangit na sasakyan, tuluyang ina-resto ang mga suspek.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.