2 katao huli sa hazardous na basura

MARILAO, BULACAN – HINDI pa man lubusang nakababangon ang isang barangay mula sa epekto ng bacteria, dalawang lalaki na naman ang nasakote ng mga awtoridad habang ang mga ito ay nasa aktong nagtatapon ng hazardous waste materials sa Open Dampsite sa Brgy, Sta Rosa-ll kamakalawa ng hating-gabi.

Sa ulat na tinanggap ni P/Sr.Supt. Wendy Rosario, OIC Provincial Director ng Bulacan, nakilala ang mga nadakip na sina Alexander Patulada Y Nadal, 46, negosyante, tubong-Negros Occidental at Roberto Benedicto Y Llorente, 25, negosyante, kapwa residente ng Brgy. Prenza-l sa nabanggit na bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Bayani Diaz, dakong alas-11 ng hating-gabi nang maispatan ng mga nagpapatrol-yang pulis ang mga kahina-hinalang kilos ng mga suspek habang lulan ng dalawang sasakyan.

Nabatid na nasa loob pala ng isang Isuzu Close Van na kulay asul na may plakang WSY-647 at kulay puti na may plakang TLH-256, ang mga hazardous na basura kung kaya agad hinuli ang mga ito at nakapiit ngayon sa Marilao municipal jail.

Ayon kay Dra. Joy Gomez Esguerra, Provincial Public Health Officer ng Bulacan Medical Center, lubhang napaka-delikado nito sa kalusugan ng mga residenteng malapit sa naturang tapunan ng basura dahil maaa-ring magkasakit ang sinumang makalalanghap ng nakasusulasok na mabahong amoy dala ng toxicated waste na itinapon sa lugar.

Nabatid sa mga awtoridad na nilabag ng dalawang nadakip na suspek ang Republic act 9003 na Ecological Solid Waste Management Act of 2000. ng Department of Environment and Natural Resources(DENR)

Samantala muling umapila sa publiko si Atty. Rustico de Belen hepe ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) sa mga municipal at city mayors na ipagbawal na ang pag-o-operate ng Controlled at Open Dampsite base na rin sa ipinag-uutos ng RA 9003.

Kaugnay nito, inirekomenda ni Atty. De Belen ang 40 hektaryang lupa na kinatatayuan ng first-class engineered VGP Sanitary Landfill sa Luzon na nasa siyudad ng San Jose del Monte, bilang tapunan ng well-segregated na basura.    (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.