2 Katao at 1 Buntis, Utas sa Sumabog na Warehouse

NASAWI ANG tatlong katao matapos sumabog ang isang warehouse na puno ng gasolinang iligal na ipinagbibili sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur pasado alas-6:50 ng gabi kamakalawa.

Ayon kay PO1 Del Rosario ng PNP-Pasacao, kinilala ang mga biktima na sina Ramil Quijano, anak ng may-ari ng warehouse, ang live-in partner nito at walong buwang buntis na si Romelyn Tabag, kasama ang isang katiwala na si Rolly Dominguez.

Pag-aari umano ng isang Armando “Manding” Quijano ang nasabing warehouse na imbakan ng paihi o gasolinang iligal na ipinagbibili sa malalaking truck na nagde-deliver ng produktong petrolyo sa mga gasoline stations.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection upang matukoy kung ano ang na-

ging sanhi ng pagsabog su-balit pinaghihinalaang isang LPG tank na sumingaw ang pinagmulan ng apoy.

Humigit kumulang naman na 3,000 litro ng gasolina o 11 drums at tatlong container ng gasolina ang nakaimbak sa nabanggit na warehouse. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.