2 Karnaper, Todas sa Engkwentro

AGAD NA binawian ng buhay ang dalawang lalaki na armado ng cal.38 baril makaraang maki-pagbarilan sa mga tauhan ni Provincial Public Safety Company Commander P/Supt. Fitz Macariola  at Malolos Police, kamakalawa ng kagabi sa Sitio Bliss, Brgy. Bulihan, Malolos City, Bulacan.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr. dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang habulan sa bahagi ng Ople Road, habang gamit umano ng mga suspek na napatay ang isang nakaw na motorsiklo.

Base sa inisyal na ulat ni P/Supt. Dave Poklay, walang pagkakakilanlan sa mga suspek maliban sa tattoo ng isa sa kanang leeg na “G-CLEF”. Nabawi mula sa dalawa ang Suzuki motorcycle na may plakang  CK-5641.

Samantala, kinilala naman ang huli nitong biktima na si Geronimo Lazarte, 48, isang negosyante na ninakawan ng motorsiklo, kung saan positibo nitong itinuro ang tumangay sa kanyang sasakyang motorsiklo.

Nabatid na natukoy ang mga suspek sa pamamagitan ng inilatag na Motorize Anti-Street Crime Operatives sa nabanggit na siyudad.

Nakuha mula sa dalawang carnapper ang isang cal.38 na baril at isang improvised na susi, na gamit sa pagnanakaw kaugnay nito. Nagbigay naman ng babala sa publiko si Senior Supt. Mendez, Jr. na walang puwang saan mang lugar sa lalawigan ng Bulacan ang mga masasamang loob at mga kawatan.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.