2 Kapuso boylets, trying hard na makapasok sa Singko?!

PINAGTATAWANAN NGAYON NG dalawang executives ng TV5 ang dalawang boylets from Kapuso. Bakit?

Dahil kung sinu-sinong mga tao raw ang kinakausap ng dalawang Kapuso boylets para makapasok din sila sa Ka-Shake channel at mapag-usapan din gaya ng ibang mga malalaking artista na pumirma na sa kanila ng kontrata.

Ang problema, hindi malalaking artista ang dalawang boylets na parehong produkto ng reality search. Wala pa silang napapatunayan sa industriya kaya hindi sila mapagbigyan ng mga executives ng TV5 kahit na malalaking tao na rin ang nilapitan ng dalawa.

Sa sobrang pangungulit ng dalawang boylets ay trying hard na raw ang dating ng kanilang pag-a-apply sa channel 5 kaya lagi tuloy silang bida sa kuwentuhan ng mga executives ng TV5 sa Makati.

Siguro, dapat, e, dagdagan pa ng isang boylet ang kanyang pagiging smiling face at magpatangkad pa ng sobra ang isa pang boylet para magbago ang isip ng mga TV5.

More clues? Ang initials nu’ng isa ay parang softdrink at ‘yung isa naman ay parang nagtuturo lang ng sayaw…. getz?!

KUNG PINAG-UUSAPAN NGAYON ng mga bagets ang teleseryeng First Time ng GMA-7, e, nagiging running joke naman sa showbiz ang pagiging “last time” ng SOP Fully Charged lalo na nang nagbigay sila ng tribute sa APO yesterday dahil mamamaalam na sila sa industriya.

Sabi pa nga ng isang host ng SOP, for the last time, e, magpe-perform daw ulit ang APO para sa kanilang mga loyal supporters. Pero teka, hindi kaya premonition na rin ito dahil malakas ang tsikang sisibakin na ang SOP sooner than soon?

Ang pagkakaiba nga lang siguro, ang APO ay maraming maiiwang alaala sa kanilang mga supporters sa pamamagitan ng kanilang mga classic songs. Pero ang SOP, may maganda nga ba itong iiwanan sa mga televiewers?

Oo, naman! Maaalala natin na ang SOP ang nagbigay ng break sa napakaraming baguhang recording artists na hanggang ngayon, e, nangangailangan pa rin ng break. Maaalaala natin na sa SOP natin nakita ang transformation ni Regine Velasquez, ang patuloy na paglobo ng kanyang katawan. He-he-he!!!

At ang hindi malilimutan ng marami, sa SOP ni-launch ang tambalang Carla Abellana at Geoff Eigenmann na hindi nag-klik. Tandang-tanda pa namin na sapilitang hinalikan ni Geoff si Carla sa lips, na kulang na lang, e, itulak siya ni Janno Gibbs para naman halikan niya si Carla with feelings. Hek-hek-hek!!!

Ui, wala pong pikunan, huh!

TRUE BA ANG nabalitaan naming umaariba na naman ang lovelife ni Madam Auring? Na totoong mas maasim pa sa sukang paombong ang kanyang asim ngayong Year of the Tiger?

At pinagbuksan pa raw niya ang kanyang bagong boylet ng isang boutique na pinangalanan niyang Orange n’ Raymond sa Sangandaan, Caloocan City?

Teka, sa pangalan ba ng boutique na ‘yon, e, si Madam Auring ang nagre-represent ng Orange? Na ang ibig sabihin, e, manamis-namis na maasim-asim? At si Raymond, ‘yon daw ang name ng kanyang bagong boylet?

Hmmm…. sa true lang, malapit na kaming maniwala na dapat ngang ma-insecure sina Mommy Dionesia, Odette Khan and the likes kay Madam Auring dahil sa sobrang bongga ng kanyang lovelife. Isama na rin natin ang name ni Dra. Vicki Belo, pwamiiiz!!!

For reaction, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

9 thoughts on “2 Kapuso boylets, trying hard na makapasok sa Singko?!

  1. hello wc – happy lunar new year! :) btw, we were in your neck of the woods yesterday. we did a road trip to pasadena after visiting universal…had lots of good food!

  2. well,mas maganda nmn tlga ang asap compared 2 sop!ang mga asap artist ay palaging may concert here and abroad e ang sop,kahit libre tiket wlang manonood kasi ang baduy!marvin agustin,bayani agbayani atbp compared 2 gary v,martin n,piolo??!!HALERRRRRR!PATI NGA C JAYA umamin sa pep na nanonood cla ng asap??!!!sop hanggang kamuning area lang kayo while asap sikat worldwide!!!

  3. wow bitter na bitter ang dating ng writer n ito,,tho hndi ako nanonood ng sop or asap,,,pero sana wag kang magpahalatang may pinapanigan k

  4. I just to quote joey wrote “aaalala natin na ang SOP ang nagbigay ng break sa napakaraming baguhang recording artists na hanggang ngayon, e, nangangailangan pa rin ng break”. super funny kasi toh.. haha

  5. lol bayaran ka rin ng abscbn bakit kailangan pang magsiraan? pati si regine pinapakialaman mo pa. journalist ka nga ba or cheap na reporter lamang?

    • uyy d truth hurts hihi! Byebye sop. From then til now starlets pdin ang mainstays s sop expcept regine and heart. Hihi

Leave a Reply

Your email address will not be published.