2 kabataan, nalunod sa mahiwagang ilog

SINASABING MAY HIWAGA ang ilog sa Valenzuela City, dahil sa taun-taon na lamang ay may namamatay rito, makaraang dalawa sa limang kabataan ang nasawi nang malunod ang mga ito habang nanghuhuli ng isda sa mga kanal ng ilog sa Tullahan River kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Isang malamig na bangkay na nang maiahon sa ilog ang biktimang si Benjamin Dueñas 13, grade 6-pupil, Fernando Plaza, Bgy., Marulas ng nasabing lungsod.

Samantalang hindi naman umabot nang buhay sa Santisimo Rosario Hospital, Valenzuela si Tedson Oncepido 15, 4th year high school student, ng Fatima ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa Diretso at Jacinto Sts., Tullahan River, Brgy. Marulas, Valenzuela City .

Ayon sa salaysay nina Genesis Dueñas 12, Belson Oncipedo 12, at Baron Nagaña 13, nagkayayaan ang mga ito na manghuhuli ng ‘katabang’ isda sa mga kanal sa naturang ilog.

Habang nagkakasiyahan sa paghuli ay bigla na lamang nadulas at parang may humatak sa batang Dueñas at hinihila ito pailalim ng ilog agad naman itong nakita ng kanyang kuya (biktima) dahilan upang saklolohan.

Na nakita naman ng matandang si Oncipedo ang hindi marunong lumangoy na magkapatid kung kaya’t sinikap nitong tulungan ang nalulunod na magkapatid subalit maging ito’y hindi marunong lumangoy.

Masuwerteng nakarating sa gilid ng ilog ang batang Dueñas at nakakapit ito sa damuhan ngunit ang kuya nito at matandang Oncipedo ay hindi na lumutang.

Dahil, dito agad silang humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay para hanapin ang mga biktima subalit hindi na rin nagawa pang mailigtas ang kanilang mga buhay nang sila’y maiahon.

Ayon sa mga residente ng nasabing lugar, hindi na sila nagtataka kung bakit meron na namang nagbuwis ng buhay dahil sa taun-taon na lamang ay may buhay na kinukuha ang nabanggit na ilog.       (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.