2 kabataan arestado Obrero, kinuyog; inatado

 

KAMATAYAN ANG sina-pit ng isang construction worker matapos umanong pagtulungang tagain at saksakin ng grupo ng kabataan sa Barangay Lawaan, Roxas City, Capiz.

Ayon sa ulat, nagulat na lamang ang mga construction worker matapos na may bigla na lang bumato sa bubungan ng kanilang barracks.

Nang lumabas ang mga ito para siyasatin kung sino ang nambato ay sinalubong sila ng pito hanggang 10 katao na may dalang kutsilyo at itak.

Kumaripas ng takbo ang mga ito ngunit nadulas ang biktimang si Gilbert Corpus, 24, kaya naabutan ng mga ‘di nakikilalang lalaki at pinagtulungang saksakin at tagain.

Bunsod ng iba’t ibang sugat sa katawan ay namatay ang biktima.

Bagama’t agad isinugod sa Roxas Memorial Provincial Hospital ay idineklara na itong dead on arrival.

Nadakip naman ng mga tauhan ng Roxas City PNP ang dalawa sa mga itinuturong suspek na nakilalang sina Remnel, 17; at Joem, 15.

Nakumpiska sa dalawa ang isang kutsilyo at ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad para sa karagdagang imbestigasyon.                     (EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.