2 Indian Nationals, Pinatay sa Agusan del Sur

BUTUAN CITY – PATAY ang dalawang negosyanteng Indian nationals matapos barilin ng hindi nakilalang suspek kamakalawa ng umaga sa Purok 5, Poblacion, Trento, lalawigan ng Agusan del Sur.

Nakilala ang mga biktima na sina Manjeat Singh, 27, at Sukhinder Singh, 26, parehong binata at nani-nirahan sa Purok 7, Poblacion, Nabunturan, Compostella Valley.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na sakay ang mga biktima sa motorsiklo nang magpunta sa Espina Rice Mill sa nasabing lugar at nang pauwi na ay bigla na lamang silang pinaulanan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nadala pa ang mga ito sa ospital pero idineklara silang dead-on-arrival.

Narekober naman mula sa pinangyarihan ng krimen ang limang cartridges ng kalibre .45 na baril.

Patuloy namang iniim-bestigahan ng mga awtoridad ang insidente at motibo sa krimen. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.