2 Impeachment trial, puwedeng pagsabayin – Enrile

SA KABILA ng pag-amin ng ilang senador na apektado na ang trabahong lehislatibo ng Senado dahil sa impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona, sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na makakayanan nilang pagsabayin ang paglilitis sa kaso ni Associate Justice Mariano Del Castillo sa oras na maisampa ito sa Senado.

Sinabi ni Enrile na hindi sila maaaring tumanggi sa pagtanggap ng karagdagang impeachment case, dahil tungkulin ito ng Senado na may solong kapangyarihan para duminig at humusga batay sa isinasaad ng Konstitusyon.

“P’wede ‘yun. I can tackle it. If they want, we can handle that in one day, and the other case in another day… Well, we will tackle the legislative work in the morning, and then handle the impeachment cases in the afternoon,” ani Enrile.

Una nang ikinabahala nina Sen. Joker Arroyo at Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada na maaaring lalong maapektuhan ang trabaho ng Senado sa oras na makarating sa kapulungan ang kaso ni Del Castillo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.