2 IED, Sumabog sa N. Cotabato

POSIBLE UMANONG kagagawan ng mga miyembro ng New People’s Army ang nangyaring pagsabog ng dalawang improvised explosive device (IED) sa Brgy. Mateo sa lungsod ng Kidapawan sa North Cotabato.

Base sa report ng mga awtoridad, dakong alas-6:25 ng umaga kamakalawa nang sumabog ang nabanggit na IED na sinasabing gawa sa landmine.

Napag-alamang target sana ng pagsabog ang 6×6 truck kung saan sakay si 1/Lt. Manuel Gatus ng 57th Infantry Battalion.

Masuwerte namang walang nasugatan na mga sundalo at sibilyan sa nasabing pagsabog. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.