2 Huli sa Sakla sa Punerarya

KULONG ANG dalawang lalaki matapos mahuling nagsasakla sa tapat ng punerarya sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi na nagawang makatakbo nina Ignacio Domingo, 49 ng Dagat-dagatan Avenue at Manalo Andales, 39 ng Tambakol kapwa ng lungsod.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi, nagpapatrulya ang mga pulis nang mamataan ang mga nagsasakla sa Nate Funeral Homes sa Dagat-dagatan Avenue ng lungsod.

Nilapitan ng mga pulis ang mga nagsasakla na naging dahilan upang magtakbuhan subalit hindi na naka-takbo ang dalawa nang madakma ng mga pulis at dalhin sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.