2 huli ng SAID-STOG, nawawala?

BASTA NA LAMANG Umanong naglaho ang dalawang tao na huli sa iligal na droga ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs- Special Task Operation Group (SAID-STOG), noong Miyerkules ng hapon sa Caloocan City.

Hiinahanap ng mga mamamahayag sa SAID-STOG ang spot report para gawin ang story ng dalawang naaresto, pero wala namang maipakita ang nasabing tanggapan.

Magugunita na noong Miyerkules ng alas 4:30 ng hapon, naka-posas pa ng ibaba sa kanilang sasakyan ng mga tauhan ni P/Chief Inspector Leoben Ong, hepe ng SAID-STOG ang isang lalaking kalbo at babae at dinala sa kanilang opisina.

Nabatid na hinuli ang dalawa sa Bagong Barrio, Caloocan City sa kasong sugal at nakunan pa ito ng mga press photographer habang ibinababa sa sasakyan.

Nang hanapin ito ng mga mamamahayag, sinabi ng SAID-STOG na dinala nila ang mga nadakip sa Station Investigation Division, subalit nang berepikahin ay wala naman ang mga suspek.

Sinilip din ng mga mamamahayag ang dalawang nadakip sa piitan ng SAID-STOG at Jail Management Section (JMS), ngunit wala ang dalawa roon.

Si Ong, dating deputy ng District Anti-Illegal Drugs (DAID), ang hepe ngayon ng SAID-STOG ng Caloocan City Police na na-appoint noong Pebrero 28.

Hanggang ngayon, hindi alam ng mga reporters kung saan na napunta ang dalawang hinuli ng mga tauhan ni Ong, na nawalang parang bula matapos madala sa opisina ng nasabing opisyal.

Wala sa kanyang opisina si Ong nang puntahan ito ng mga reporters para sa kanyang paliwanag.          (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.