2 Holdaper, Tiklo sa mga Pulis

SHOOT SA selda ang dalawang lalaki matapos holdapin ang kasakay na engineer sa jeepney sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela City Police ang mga suspek na sina Graciano Demegillo, 30; at Marck Numansi, 25 kapwa ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi, kasakay ng mga suspek si Engr. Gregorio Tobeda sa jeepney at pagsapit sa General Luis St., Bagbaguin ng lungsod ay naglabas ng mga patalim ang mga una at itinutok sa biktima.

Kinuha ng mga suspek ang dalang bag ng bitkima na naglalaman ng cellphone at pera bago nagsitakas.

Nakahingi ng tulong ang biktima sa mga pulis na naging dahilan upang habulin at madakip ang mga suspek.

Nabawi ang bag ng biktima at nakuhanan ng mga patalim ang mga suspek na agad na dinala sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.