2 Holdaper ng Taxi, Tiklo

ARESTADO NG pulisya ang dalawang holdaper ng taxi matapos itong mambiktima sa Kalayaan Road, Barangay 201, Pasay City.

Sinabi ni Superintendent Samuel Turla, ang officer-in-charge ng Pasay Police station na sumakay ng taxi sina Manolito Picache at Archimedes Carag at hinoldap ang driver nito na si Florencio Magnanaw.

Napansin naman ng mga nagpapatrolyang pulis at tanod ang komosyon sa taxi ngunit bumaba at tumakbo ang dalawang holdaper dala ang kinita ng driver.

Mabilis namang nahabol ng mga kinauukulan ang dalawa at nabawi ang isang balisong, laruang baril at ang kita ng driver na aabot sa P1,750.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.