2 Holdaper, Kulong sa Mala-Stuntman na Biktima

MISTULANG STUNTMAN ang ginawa ng isang mister matapos tumalon sa umandar na dyip upang mahabol ang dalawang holdaper na tumangay sa cellphone ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nadakip naman sina Arnold Leoponio, 35; at Raymond Gutlay, 26, kapwa ng Matimyas St., Sampaloc, Manila.

Sa ulat, alas-6:30 ng gabi, kasakay ng mga suspek ang biktimang si Jose Beltran, nasa hustong gulang at pagsapit sa 5th Avenue ng lungsod, naglabas ng patalim ang mga una at hinoldap ang huli.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone ng biktima bago pumara at bumaba.

Muling tumakbo ang dyip at nang makakita ng mga pulis ang biktima ay biglang tumalon sabay hingi ng tulong na naging dahilan upang habulin at madakip ang mga suspek.

Nabawi naman ang cellphone ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.