2 Holdaper, Dedbol sa Punglo

HINDI SINANTO ng bala ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang holdaper makaraang makaengkuwentro ng mga ito ang mga alagad ng batas sa bayan ng Tatay sa lalawigan ng Rizal.

Ayon sa pahayag ni Police Officer 3 Hector Gardinales, bago ang engkuwentro ay nangholdap pa umano ang dalawang suspek ng dalawa ring biktima sa lugar ng Sitio San Lorenzo, boundary ng Pasig at Rizal.

Kaagad na naipa-blotter ng mga biktima ang nangyari kung kaya’t kaagad ding nagkasa ng follow-up operation at doon nakaengkuwentro ang mga suspek.

Sa pagsisiyasat, pinahinto ng mga awtoridad ang mga suspek. Sa halip na tumigil ay bumunot ng baril ang mga ito subalit naunahan sila ng awtoridad at bumulagta ang mga ito sa tama ng bala. Nagawa pang maisugod ang mga ito sa pagamutan subalit idineklarang mga dead on arrival.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.