2 holdaper; 1 pulis, patay sa shootout

PANGASINAN – TATLONG KATAO na pinaniniwalaang notoryus na holdaper kabilang na ang isang tiwaling pulis ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan kamakailan.

Ang napatay na pulis ay si PO1 Monit Galimbang, nakatalaga sa Malasigui PNP, nakatira sa Brgy. Abunagan at off-duty nang mangyari ang shootout, ayon sa pahayag ni P/Chief Insp. Satur Ediong, hepe ng Pozorrubio PNP.

Bukod kay Galimbang, kinilala rin ang dalawa pang napatay na holdaper na sina Junaid Pangkalan at George Villamayor.

Batay sa nakalap na report ng Provincial Police Office ng Pangasinan, kumpirmadong miyembro ng Malasiqui PNP si Galimbang at wala itong rekord na kriminal kaya nasorpresa ang pamunuan ng Pangasinan PPO kung paanong nakasama ito ng mga suspek sa holdapan.

Sa ulat ng mga awtoridad, hinoldap ng mga suspek ang tricycle driver, kung saan kaagad na tumakas subalit hinabol at nakorner ng mga nagpapatrolyang pulis na nauwi sa shootout.

Narekober mula sa mga napatay na holdaper ang isang cal. 45 pistola, caliber 38 revolver at Granada, kung saan bineberipika kung ang isa sa mga nakuhang baril ay nakaisyu sa napatay na pulis.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.