2 HK Nat’l, Nabiktima ng Holdap ng Riding-in-Tandem

CEBU CITY – DUMULOG sa tanggapan ng Fuente Police Station ng Cebu City Police Office ang dalawang estudyante na Hong Kong national matapos mabiktima ng holdap ng motorcycle riding-in-tandem sa Sitio Urgello, Brgy. Sambag II, Cebu.

Nanginginig pa nang humingi ng tulong ang mga biktima na kinilalang sina Karnbeer Singh, 19, at Sarah Sayhi, 18, na kasalukuyang nakatira sa nabanggit na lugar.

Naglalakad umano ang mga biktima at huminto sa kanilang harapan ang isang motorsiklo, sakay ang dalawang suspek na naka-full face helmet, ayon kay PO3 Allan Vallejo, desk officer.

Bigla na lang umanong bumunot ng baril ang mga ito at nagdeklara ng holdap.

Natangay ng mga suspek ang P1,600 na cash, iPhone na nagkakahalaga ng P38,000 at cellphone na nagkakahalaga ng P10,000.

Nagresponde naman ang mga awtoridad, ngunit hindi na nila naabutan pa ang mga suspek.

Nabigo ang mga biktima na makuha ang plate number ng motorsiklo ng mga suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.