2 Hiwalay na Rally sa Cam Sur, Inilunsad vs Postponed Election

LALONG PINAIGTING ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay sa bayan ng Siruma, Camarines Sur dahil dalawang grupo na ang nagsasagawa ng kilos-protesta, kasunod ng pagpapaliban ng special election.

Ayon kay Insp. Jerome Regachuelo, chief of police ng PNP Siruma na maging ang mahigit 50 tagasuporta ni dating Mayor Nonito Vier ay nagtipun-tipon na rin sa harap ng municipal hall upang manawagan na ilabas na ang mga nawawalang balota.

Mas mabibigyang-linaw umano na nanalo nga si Vier laban sa kalabang si Sandy Ondis kung ilalabas ang 247 balota na misteryo umanong nawala noong May 2010 elections.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang panawagan ng grupo ni Butawanan Brgy. Capt. Emmanuel Dante Lara sa harapan ng Commission on Elections (Comelec) na muling itakda ang nakanselang special election sa kanilang lugar.

Nangako naman ang mga ito na hindi sila titigil at aalis sa lugar kung hindi aaksyunan ng ahensiya ang kanilang panawagan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.