2 Hinihinalang Kidnapper, Tiklo sa Comelec Checkpoint

DALAWANG HINIHINALANG kidnapper ang nadakip ng mga elemento ng Manila Police District (MPD) Station 3 sa checkpoint ng Commission on Elections (Comelec), kahapon ng umaga.

Kinilala ni MPD Station 3 Commander Supt. Ricardo Layug ang dalawa na sina Noel Nilooban at Edison Decena, kapwa residente ng Mauban, Quezon.

Sinabi ni Layug na pinara ng mga pulis ang sasakyan ng mga suspek na isang silver Toyota Grandia dahil sa PNPA plate na nakakabit sa harapan nito at TQT 248 sa likod habang tumatakbo sa Quezon Blvd. kanto ng Raon.

Nang inspekyunin, nakita sa loob ng sasakyan ang isang shotgun at mga bala, mga masking tape at mga itim na bonnet.

Samantala, sinabi naman ni MPD officer-in-charge Deputy Director Sr. Supt. Robert Po, plano ng dalawa na dukutin ang batang anak ng isang Chinese businessman sa Quezon City.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.