2 High school student, kumalat ang sex video

KUMALAT ANG sex video umano ng dalawang estudyante ng Sarrat National Highschool sa Sarrat, Ilocos Norte kung saan gulat na gulat ang mga guro at maging ang principal nito.

Naalarma umano ang buong paaralan matapos kumalat ang malasmang video ng dalawang estudyante na nasa third year at isa pang nagsilbing lookout umano, ayon na rin sa principal ng paaralan na si Mrs. Editha Santiago.

Napag-alamanang ginawa ang nasabing video malapit sa gusali ng paaralan. Agaran namang kinausap ang mga magulang ng nasabing mga estudyante.

Paalala ni Mrs. Amalia Labii, Values Education in-charge at guidance coordinator, responsibilidad ng magulang na bantayan ang mga anak, samantalang nagmo-monitor naman ang guidance office ng mga lugar na pinupuntahan ng mga estudyante.

Hindi na pumapasok sa paaralan ang dalawang estudyante matapos kumalat ang kanilang malaswang video.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.