2 Hepe ng Pulisya, Patay sa Jeep

PATAY ANG mga hepe ng Victoria at Calauan, Laguna Police matapos mabundol ng jeep sa tapat mismo ng Calauan Police detachment.

Dead on the spot si Victoria Police Chief, Chief Inspector Alex Marasigan at nasawi rin habang ginagamot si Calauan Police Chief, Chief Inspector Santiago Cuntapay.

Bahagya namang nasugatan si PO2 Redel Carbel sa nasabing aksidente.

Ayon kay Laguna Police Chief Gilbert Cruz, bandang alas-5 ng madaling-araw kamakailan nang mabundol ng jeep ang mga nasabing biktima habang inihahanda ang PNP mobile.

Imposibleng hindi makita ng jeepney driver ang nakaparadang police mobile. Posible aniyang nakatulog ang driver at nawalan ng preno kaya nasalpok ang mobile, giit pa ni Cruz.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Laguna Police ang hindi pa pinangalanang driver ng jeep. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.