2 Helper, Tigok sa Natumbang Truck

PATAY ANG dalawang truck helper habang dalawang iba pa ang sugatan nang tumagilid ang six-wheeler truck sa Malay, Aklan.

Ang mga pahinanteng nasawi ay kinilalang sina Jaylord dela Torre, 22, ng Brgy. Union, Nabas, Aklan; at Salmero Bernel, 33, residente ng Brgy. Baybay, Nabas, Aklan.

Sinabi ni PO1 Junel Romero ng Malay PNP na ang truck na distributor ng alak ay minamaneho ni Florencio Baflor, 33, at residente ng Tigbauean, Iloilo.

Sinasabing aksiden-teng nawalan ng kontrol ang driver dahilan para magtuluy-tuloy ito sa gilid ng daan.

Samantala, napag-alaman na ang mga biktima ay nadaganan at naipit ng karga nito dahilan nang agaran nilang kamatayan.

Sa ngayon, nakakulong na ang driver ng truck matapos magamot sa Ibajay District Hospital.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.