2 Haponesa, Ginahasa ng 2 Koreano sa Cebu

KINASUHAN ANG dalawang Koreano matapos pagsamantalahan umano ang dalawang Haponesa sa isang motel sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Sabado ng gabi.

Ayon sa mga biktima, kinaibigan sila nina Jong Dok Lee at Karl Park at niyayang ma-kipag-inuman sa isang bar. Nang malasing na anila sila ay saka sila dinala sa motel at doon halinhinang ginahasa.

Agad namang nakapagsumbong ang mga Haponesa sa mga kinauukulan at naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Park sa bahay nito, habang natimbog naman si Lee matapos bumisita sa umano’y kasabwat sa kulungan.

Kapwa naman itinanggi ng mga suspek ang paratang at binigyang-diin ng kampo nito na consensual sex ang naganap at hindi maitutu-ring na rape.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.