2 grupo sa Maguindanao, nagsalpukan; residente lumikas

MULING SUMIKLAB ang labanan sa magkaaway na grupo dakong alas-3:50 ng madaling-araw kahapon sa Maguindanao.

Sinabi ni 6th Infantry Division public affairs chief Col. Prudencio Asto na nagkasagupa ang mga armadong tauhan nina Brgy. Chairman Jerry Macalay at Kumander Adzmie Tagadaya ng 106th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Sitio Kampana Brgy Tabungao, Rajah Buayan ng nasabing lalawigan.

Hanggang sa kasalukuyan ay may naririnig pang manaka-nakang putukan sa magkabilang panig.

Maraming mga sibilyan na rin ang nagsilikas dahil sa takot na maipit sa naturang kaguluhan.

Ayon pa rin kay Col. Asto, hanggang ngayon ay hindi pa matiyak kung ilan ang nasawi at nasugatan sa nabanggit na insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.