2 GINANG, PILA-BALDE SA 14 NA MANYAK

SCIENCE CITY OF Muñoz, Nueva Ecija – Halos tulala at hindi makausap nang maayos ang dalawang ina, na dumaranas ngayon ng matinding trauma, matapos umanong halinhinang gahasain ng anim na beses ng 14 na kalalakihan sa lungsod na ito.

Sa ulat na ipinadala ni Officer-In-Charge Norman Talosa ng National Bureau of Investigation – Cabanatuan Branch kay NBI Director Magtanggol Gatdula, kinilala ang mga nadakip na sina Leo Polintan; magkapatid na Rolando at Crisanto Gomez; Tanjon Natividad; Jay-Jay Laforteza; Arvin Mallari: Kevin Casillan; Danhil Amel; Michael Cacabilos; Reden Cuya; Aljon Baniqued; Nano Laluces; at Jerick Natividad, kapwa mga residente ng Libis Poblacion West. Habang ang mga biktima naman ay itinago sa pangalang Rebecca at Juliet, kapwa nasa hustong gulang sa nabanggit ding lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ng NBI, matagal ding inilihim ng magkaibigan ang naturang pangyayari, dahil na rin sa tindi ng takot na totohanin ng mga suspek ang banta na isisiwalat nila sa publiko ang ginawang panghahalay sa kanila, at ang banta umano na papatayin sila nito at ang 14-anyos na anak ni Rebecca at 18-anyos na anak ni Juliet.

Sa tulong na rin ng ilang nagmamalasakit na kapit-bahay, nagawang maisumbong sa NBI ang sinapit ng dalawang ginang. Na naging dahilan upang madakip ang mga suspek, at agad na kinasuhan sa NE Prosecutors Office ng 40 counts of rape in relation to RA 7610.

Ayon sa ngatal na boses ng biktimang si Rebecca, papauwi na siya ng kanilang bahay nang masalubong nito ang grupo ng kalalakihan noong nakaraang buwan ng Pebrero 14, dakong alas-7:00 gabi, kung saan agad siyang isinakay sa sasakyan at dinala sa bahay ng isang Arvin Mallari sa Brgy. Catalanacan. Makalipas ang ilang minuto, pinainom siya ng tubig na naging dahilan ng kanya umanong panghihina, kung saan hindi na niya nalaman ang sumunod na pangyayari. Laking gulat na lamang niya nang magising siyang walang saplot sa katawan at mahapdi at masakit ang kanyang ari.

Aniya, makalipas ang dalawang buwan, muli siyang binalikan ng mga suspek, kung saan tinakot na kanilang ie-expose ang ‘sex escapade’ nito kung hindi anila ito sasama sa kanila na naganap noong buwan ng Hunyo 1. Muli itong naulit noong Hulyo 5, dakong alas-6:00 ng gabi sa bahay ng isang alyas Bong, at nasundan pa noong Agosto 6, at dalawang beses noong Agosto 13 sa kubo na pag-aari naman ng isang alyas Rommel Lopez.

Ganu’n din ang sinapit ni Juliet, kaibigan ng naunang biktima. Sa kanyang salaysay, Hunyo 1 nang gahasain siya ni Crisanto Gomez sa kubo na pag-aari ni Aljon Baniqued, kung saan halinhinan din siyang ginahasa ng mga barkada nito na sina Polintan,kapatid nitong si Rolando,Tanjon Natividad, Laportaleza at Jay-Jay Siervo.

Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa NBI detention cell.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.