2 Fake Healers, Timbog

SWAK SA selda ang dalawang babaeng nagpapanggap na faith healer kapalit ang libu-libong halaga ng pera at mga alahas sa Barangay Bolong, Zamboanga City.

Kinilala ng pulisya ang dalawang naaresto na sina Eileen Muhaman Magsipog at ang kasama nitong si Emma Rose na pawang mga residente ng Isabela City, Basilan.

Batay sa reklamo ng apat na residente na nabiktima, pinuntahan sila ng dalawang suspek at nagpanggap na mga faith healer.

Sinabi umano ng mga suspek na kaya nilang pagalingin ang mga malubhang karamdaman ng mga nagreklamo sa pamamagitan ng mga ritwal na kanilang gagawin kapalit ng P35,000 at ang iba’t ibang ahalas na umabot sa halagang P63,000.

Nabigla na lamang ang residenteng nahikayat dahil tinakbuhan sila ng dalawang suspek at hindi na tinupad ang kanilang pinag-usapan.

 (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.