2 Estudyante, Timbog sa Shabu; 2 pa, Tiklo sa Marijuana

KALABOSO ANG dalawang estudyante matapos mahulian ng iligal na droga sa lungsod ng Dagupan.

Nakilala ang mga salarin na sina Mary Manaois, 3rd year college student; at Marisol Aquino na kapwa residente sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.

Base sa impormasyon, nakitang nakikipagtransaksyon ang dalawang suspek sa Sitio Silungan Bonuan Binloc.

Nakuha kay Manaois ang nakalagay sa coin purse nito na isang sachet ng Shabu habang nang kapkapan si Aquino ay nakuha sa kanya ang isa ring sachet ng Shabu na ibinalot pa niya sa P100 bill.

Samantala, sa bayan naman ng Mangatarem dalawang estudyante rin ang naaktuhang humihithit ng Marijuana sa tapat ng kanilang public market.

Nakita ang mga menor de edad sa loob ng isang tricycle na humihithit na naaktuhan ng mga awtoridad na nagpapatrolya sa nasabing lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.