2 Estudyante, Nagsapakan Dahil sa BF

PASA SA katawan ang inabot ng dalawang babaeng estudyante matapos magsabunutan at magsapakan dahil lamang sa isang lalaki sa Naga City.

Ito’y matapos sugurin umano ng salarin na si Abigail San Joaquin sa kanyang boarding house pasado alas-2:30 ng madaling-araw ang biktimang si Korina May Dy, 18.

Dito na umano nagsimula ang mainitang diskusyon ng dalawa na nauwi sa sapakan at sabunutan hanggang sa magkaladkaran pa ang dalawa sa boarding house ng biktima.

Nabatid na nag-ugat ang away ng dalawa nang malaman umano ni Abigail na laging nag-uusap ang kanyang kasintahan at si Korina.

Samantala, depensa naman ng biktima, magkaibigan lamang sila ng kasintahan ng suspek at wala silang ginagawang masama.

Napag-alaman din na kapwa estudyante ng kilalang unibersidad sa lungsod ng Naga ang dalawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.