2 Estudyante, Binoga ang mga Sarili

DALAWANG ESTUDYANTE ang pinaniniwalaang nagbaril sa kani-kaniyang sarili sa magkahiwalay na insidente sa Batangas.

Patay nang matagpuan sa kanyang silid si Daveson Beron, 22-anyos na estudyante ng Batangas State University.

Sinabi ng ina nitong si Annaliza Beron, may tama ng bala sa kanang sintido ang anak.

Natagpuan naman sa tabi nito ang isang kalibre .38 na revolver at laptop na may nakalagay sa screen na “I’m sorry. I quit.”

May narekober pang cellphone sa lugar na may mensaheng humihingi ng tawad sa kanyang mga magulang at kapatid dahil sa hindi pag-graduate ngayong taon.

Ayaw na rin aniya niyang maging disappointment sa pamilya kaya piniling magpakamatay.

Naniniwala naman ang pamilya na labis na dinamdam ni Daveson ang hindi pag-graduate kaya nagawang magbaril sa sarili.

Samantala, wala na ring buhay nang matagpuan ang 17-anyos na si Don Benedict Pamintuan, first year student ng De La Salle University-Dasmariñas.

Nakita ang bangkay sa banyo ng kanilang bahay sa Nasugbu, kasama ang isang shotgun na gamit ng mga guwardya sa kanilang negosyo.

Samantala, hinala naman ng pamilya, nagpatiwakal ito dahil sa depresyon matapos bumagsak sa apat na subject.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.