2 Eroplano, Iniregalo sa Opisyal!

ANG MGA DATING natutuwa kay Noynoy ay nakasimangot na ngayon.

Ang grupo ng Council of Philippine Affairs na gawa sa jukebox ay galit na ngayon sa administrasyong Aquino dahil sa sinasabing kawalan ng aksiyon para sugpuin ang kriminalidad.

Ang ilang paksiyon sa CBPC ay kunsumido na rin sa pagiging inutil ng pamahalaan na makapaglagay ng mga taong tama sa posisyon.

Ang COPA, sa maraming pagkakataon ay kasama rin ni dating Pangulong Arroyo hanggang sa mga huling sandali ng mga nangyayaring katiwalian.

Sana lang, sa pagkakataong ito ay totoo ang ipinapakita nilang pagkadismaya at hindi lamang sila nagbubukas ng pintuan para sa appointment sa gobyerno.

MASYADONG MAAGA PARA magpakita ng mga senyales ang Aquino government na hindi sila tatagal ng anim na taon.

Ang mga pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lamierda na sensationalism lamang ang lakad ng media sa pagbabalita ay indikasyon ng kahinaan ng kanilang pang-unawa sa industriya.

Hindi dapat puwersahang ipalunok ni Lamierda sa media ang sinasabi nilang statistics sa pagbaba ng carnapping at crime rate in general kung iku-kumpara sa nakaraang taon.

Kahit anong rosas pa ang pagkakapinta ng pagbaba ng crime rate at economic growth, wala pa ring tatalo sa nagdudumilat na balita ng pagsunog sa katawan ng tatlong tao matapos agawan ng sasakyan, ang serye ng carnapping sa loob lamang ng isang linggo, ang pagsabog ng bus na ikinamatay ng limang pasahero, ang serye ng ambush, ang pagbabalewa sa terrorist threat, ang pagbili ng Porsce sa gitna ng malnutrisyon, ang paggamit ng armored Toyota Lexus na mula kay bayaw, ang serye ng pagtaas ng bayad sa SLEX, NLEX, pagtaas ng pamasahe sa MRT, LRT at pagtaas ng pasahe sa jeep na ipatutupad bukas.

Dapat alam ni Lamierda na hindi media ang nag-imbento ng mga balitang ‘yan kaya wala siyang kamatis na maibabato sa NPC o saan mang media organization.

HETO PA ANG isang masamang balita na malamang ay lalong ikapuputok ng tumbong ni La-mierda.

Sino kaya itong isang opisyal ng gobyerno ang binigyan ng eroplano ilang buwan pa lamang nakalagay sa puwesto?

Ayon sa source, dalawang eroplano ang iniregalo sa opisyal. Ang isang eroplano ay iniregalo naman sa kapatid ni opisyal.

Ibinulong ito ng isang negosyante na ang linya ay mag-deliver ng mga eroplano sa pamahalaan.

Ang balita natin, ang dalawang eroplano ay nasa hangar sa Clark Field sa Angeles City, Pampanga.

Four to  8-seaters  lang  ang  eroplano  na  ibinigay ng galanteng negosyante.

Ang tanong, sinong negosyante ito na mukhang sobrang yaman naman yata?

Kailangang mahubaran ng maskara kung sino ito para malaman kung anong project naman ang kapalit ng kanyang regalo?

Pulandit
Allan Encarnacion
allanpunglo@yahoo.com

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.