2 Empleyado ng LTO-ARMM, patay sa ambush

PATAY ANG DALAWANG empleyado ng Land Transportation Office (LTO) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (Armm) makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek kahapon ng umaga sa lungsod ng Cotabato.

Kinilala ng Cotabato City Police Office ang mga napatay na sina Nasser Otto at ang kanyang pinsan na si Datu Handy Dimaukom, kapwa enforcer sa LTO at pawang residente ng Brgy. Poblacion 2.

Ayon sa report, sakay ang mga biktima sa kanilang motorsiklo galing sa kanilang bahay para pumasok sa trabaho alas 8:00 ng umaga sa LTO ARMM nang pagsapit sa Almonte Extension, nag-aabang na ang dalawang suspek at agad silang pinagbabaril gamit ang kalibre .45 baril na agad din nilang ikinamatay.

Sa salaysay ang mga nakasaksi, nang bumulagta ang dalawa ay nilapitan ang ng mga suspek at muling pinagbabaril upang matiyak na napatay ang mga ito.

Hinihinala ng pulisya na may kaugnayan sa kanilang trabaho ang dahilan ng nasabing krimen.

(SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.