2 Dumptruck, Inararo ng Bus: Helper at 1 Pasahero, Patay; 9 Sugatan

PATAY ANG helper ng dump truck at isang pasahero ng bus habang siyam ang sugatan makaraang araruhin ng bus ang dalawang nakahintong dump truck sa North Luzon Expressway sakop ng Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Gary Ramos, pahinante ng dump truck (UHC-494) ng Marilao, Bulacan.

Namatay naman habang ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi rin ng pinsala sa ulo at katawan si Nilo Ibayan, 38, ng Malinta, Valenzuela City at pasahero ng Victory Liner (CVS-673) na minamaneho ni Amado De Guzman Jr.

Isang hindi pa kilalang babae na pasahero ng bus ang ginagamot sa EAMC habang walong pasahero naman ang dinala sa Manila Central University Hospital.

Batay sa ulat, alas-10:30 ng gabi, nakaparada ang dalawang dump truck sa NLEX sakop ng Caloocan City nang araruin ng bus ni De Guzman.

Napuruhan si Ramos na inaayos ang kahoy na stopper ng truck habang napitpit naman sa loob ng bus si Ibayan habang nasugatan ang iba pang pasahero na naging dahilan upang dalhin sa mga nasabing ospital.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.