2 Disqualified Party-list Group, Humingi ng Saklolo sa SC

NAGPASAKLOLO SA Supreme Court (SC) ang dalawang mga party-list group na una nang diniskwalipika ng Commission on Election (Comelec) para maghain ng kanilang petisyon.

Base sa isinumiteng petisyon ng Binhi-Partido ng mga Magsasaka Para sa mga Magsasaka at Alliance for Nationalism and Democracy o Anad, hiniling ng dalawang grupo na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) laban sa desisyon ng Comelec para kanselahin ang kanilang akreditasyon tatlong araw bago ang halalan.

Iginiit ng dalawang grupo na pinagkaitan sila ng “due process” dahil hindi nagsagawa ng “summary evidentiary hearing” ang Comelec gaya ng iniutos ng SC sa desisyon nito sa kaso ng Atong Paglaum et. al. noong nakalipas na buwan.

Samantala, paniwala ng dalawang grupo na malabo silang makakuha ng puwesto sa Kongreso kung pagbabatayan ang resulta ng partial unofficial tally na lumalabas sa media.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.