2 Dinukot na Estudyante ng MSU, Laya na

MAKARAAN ANG PITONG araw, pinakawalan na ng mga kidnapper ang dalawang estudyante ng Min-danao State University sa Marawi City, Lanao del Sur na dinukot noong Disyembre 7 sa compound ng nasabing eskuwelahan.

Sa ulat, kinilala ang mga ito na sina Shiela Mae Vidal, 18 anyos, HRM student at Alcher Balicuatro, 19, kapwa estudyante ng MSU.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-6:00 ng umaga nang palayain ang dalawa. Kasunod ito ng negosasyon ng Crisis Management Committee sa pangunguna ni Marawi City Mayor Fahad Salic.

Isinailalim sa medical check-up ang dalawa bago dinala sa tanggapan ni University President Macapado Muslim. Una nang humi-hingi ng P2 milyong ransom ang mga kidnapper sa pangunguna ng isang Jamal Pumbaya at ibinaba ito sa P200,000.

Una nang napaulat na ang posibleng dumukot sa dalawa ay grupo ni Salik Muslimen at Machol Sabtulah.          Gayunman, binigyang-diin ng kumite na walang ransom na ibinayad kapalit ng kalayaan ng mga estudyante.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.