2 dedo; 42 naospital sa sinabawang pansit

CAGAYAN – DALAWANG BATA ang namatay habang 42 iba pa ang nilalapatan ng lunas sa Cagayan Valley Medical Center matapos na malason sa kinaing sinata o sinabawang pansit nitong Martes.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina E-loisa Marie Ballad at Jessica Mae Bangayan, kapwa 5-anyos at nasa kindergarten sa La-rion Bajo Elementary School.

Kabilang sa mga dinala sa ospital sina Jane Ballejo, Grade IV adviser; Ma. Theresa dela Cruz, Grade II adviser; at si Victor Binalay na isa ring guro sa naturang paaralan.

Sa hanay naman ng mga mag-aaral, kasama sa mga naospital sina Darryl Ventura, Noryn Joy Ancheta, Jan Bladimir at Vince Taburico na pawang nasa kindergarten.

Nabatid na matapos makain ng mga biktima ang pansit na niluto ni Gng. Nicolasa Fresado, Home Economics teacher sa nabanggit na paaralan, nakaranas ng matin-ding pagkahilo, paninikip ng dibdib at pagsusuka ang mga biktima.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima ngunit dalawa sa mga ito ang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Sa isinagawang imbestigasyon ng PNP-Tuguegarao City, nakita nila ang isang bote na may laman na white crystalline substance malapit sa pinaglulutuan ni Fresado.

Sinasabing ito umano ay oxalic acid at posibleng nagamit ng guro sa pagluluto matapos na aksidenteng mapagkamalan niyang iodized salt o vetsin.

Nabatid na ang pamilya ng dalawang nasawing bata ay naghahanda na para sampahan ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga school officials ng naturang paaralan. (ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.